Mahapdi ang init sa balat
dulot ng nakapapasong sikat ng araw
na nagngingitngit samaghapong pamamayagpag.
Hindi naglaon,dumilim ang langit na animo’y
kinulapulanng masangsang na amoy na dumikit
sa tungkil ng aking ilong.Tumbalik na daigdig,
nakahihindikna papawirin tumambad sa aking paningin.
Asan ka? Nandyan ka pa ba?Sumagot ka!
Isa ba itong parusa?
Kislot,dagok,hagulgol,delubyo
Oras na ba? Bakit ako mangingilabot?
Sadyang malapit-lapit na kaya’t maghanda na.
Masaya na ang susunod na kabanata.
No comments:
Post a Comment