Tuesday, September 15, 2009

Upos na Pakiusap

Kapag ang kandilang aking hawak ay naupos,
ang maitim na usok na magmumula rito
ay ang aking lagalag na kaluluwa.
Ang katawan kong minsang may lakas at buhay
tuluyang nilisan ang hapis na kumulapol
dito sa isip, puso at kamalayan.
Maari ba muling magsindi ng kandila?
At punuin mo nawa ng mga rosas ang aking puntod?
Nais kong makitang may luhang dadaloy sa mga matang mapusyaw,
at makita man lang kita na nagdadalamhati
sa dahilang ako'y wala na.
Sapgkat habang may hininga pang natitira,
yan ang pilit mong ipinadarama,
sa puso kong matagal nang pagod sa pagdurusa.

No comments:

Post a Comment